Archive for April 27th, 2007


Kasal, Kasali, Kaloka!

Aaa_1
Nasa kasalan ang
beauty ko kahapon. First time din naimbitahan ang 16 year old son kong si Kevin
na maging isa sa mga jr. groomsmen sa wedding kaya di ko pinalampas na hindi
dumalo. Gusto ko siempre makita ang anak kong gwapings sa suot nyang barong
tagalog. Di ako pala-attend sa kasal ng may kasal ( di rin kasi ako iniimbita
eh. Waah). Siguro mga 3rd time ko pa lang to na makapag attend sa
buong buhay ko.

It was just a very simple church wedding of a very young couple
who are in their early 20’s only. Buntis na kasi si bride at kahit parehong nag
aaral pa yung mga bata eh pinagpasyahang ipakasal na lang kasi according to the
mother of the bride…kakahiya naman daw sa congregation nila eh aktibo pa naman dun si
father of the bride.

As i’ve said eh di
ako gaano nakakapag attend sa mga ganitong seremonyas at masBbb_1
madalas eh kasalan
sa sine at sa tv ang nasasaksihan ko na talaga namang ang gaganda dahil nga
edited na ang mga eksena.

Sa totoo lang…di
naman  ganun ka-solemn ang pagpapakasal
sa church gaya ng nakikita sa movie o tv, in fact ang daming bloopers na
nangyayari. Gaya nung kahapon. Josko! Yung red carpet na nakalatag  sa gitna kung saan rarampa yung mga sponsors,
ang entourage at ang bride patungo sa altar eh lukot-lukot! Madulas yung floor tiles
ng simbahan kaya pag hindi ka nag ingat sa paglakad mo at pag apak sa red carpet…eh
malamang sesemplang ka. May mga kamuntik-muntikan ng madulas na mga ninang. At
pagkamalas-malas ba naman eh nag brownout pa ng mga sampung beses siguro. Palpak
pa ang generator ng simbahan. Biglang nawawalan ng audio ang wedding singer eh ganda
pa naman ng boses nya at nung mga choices ng kanta.

At eto talaga ang
tinawanan ko … dahil brownout nga, gumamit ang pari ng megaphone sa sermon nya.
Hehehe! Kinakagat ko na nga lang dila ko para di ako mapabungisngis. Eh kasi ba
naman… sa itsura nya eh akala mo namumuno sya ng isang rally sa mendiola. Hehehe.
Haays, tapos dami pang bata na takbuhan
ng takbuhan, nagkukulitan habang ongoing ang ceremony. Ang ingay. Hanubayan!

Nainip tuloy
ako. Di ko rin naman masyado maintindihan
ang sinasabi ni father kasi parang boses-kiki ang dating ng gamit nyang megaphone.
Napansin ko tuloy yung suot ng isang ninong na nakaupo sa harapan ko. Amp! Kahapon
lang yata nakapag suot ng barong si manong, eh kasi ba naman imbes na t-shirt ang isuot nyang undershirt sa see-thru
nyang barong…eh nag sando ba naman! Kitang-kita yung malaki nyang tattoo sa
braso at nagduda tuloy ako na baka isa siyang pusakal na naligaw lang dun sa simbahan.

Nways, after the
kodakan moments sa church eh go na kami sa reception. Kasama ko yung dalawang
kapitbahay ko na puro sponsors. Di kami nagkakalayo ng age ng dalawang desperate
housewives kong neybors and in fact mas younger yung isa sa akin. Tinanong nila
ako bakit di ako kinuhang sponsor. Isip ko, esmyusmi noh! Bagay na ba ang fez ko na maging
ninang sa kasal? Di hamak naman na mas matured silang tingnan kesa sa akin. Eh
parang di nga kami nagkakalayo ng age nung bride eh. Bwahehe! Sabi ko na lang
na hindi ako kinuhang ninang kasi hindi
naman ako mukhang madatung gaya nila. Joke!

Sus, di masarap food
nila. Mas masarap pa nga yata kumain sa fastfood kesa dun sa hinanda nila.
(hehe! Pintasan ba.)  Pero gutom na ako
kaya dedma ko na lang yung lasa.

Inaabangan ko yung portion kung saan ihahagis nung bride ng nakatalikod yung
bokey of plawers nya dun sa kumpol ng mga single girls mag aabang din sa
pagsalo. Bah! Single naman talaga ako so ano masama kung sasali ako dun sa
kumpol na yun. Hehehe!  kasehodang naka
tube ako na dress eh plano ko talaga makikipag balyahan at makikipag tulakan ako
dun sa ibang girls masalo ko lang yung bouquet. Malay mo eh ako na yung susunod na ikakasal pag nasalo ko. Awww! Asa pa
ako!

Kaso kinalabit na ako ng dalawang desperate housewives kong neybors… uwi
na daw kami. Di na ako umangal kasi dyahi…nakikisakay lang ako sa car nila.
Ayoko naman din magpa iwan dun mag isa. Tsaka wala akong dalang pera pang taxi.
Kaya ayun, biglang baboosh kami sa newlywed.