Archive for April 20th, 2007


The Battle of the Brainless is back!

Host: What "N"
(narra) is the national tree of the Philippines?

Contestant: Niyog?
Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Host: Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: Sa back?
Host: O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L" (Luneta).
Contestant: Likod?
Host: Hindi pa rin.
 Para mas madali, "R.P." ang initials ng modern
name nito (
Rizal Park).
Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Host: Saan "B" (beach) tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka-bikini.
Contestant: Beerhouse!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Host: Anong "L" (Lifeguard) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag
ikaw ay nalulunod?
Contestant: Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan  nito.
Contestant : Safeguard?
Host: Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant : Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Host: Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit na flotation device sa
dagat upang hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hindi! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito lalake.
Contestant: Siyoke?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Host: What "S" (Sampaguita) is the national flower of the Philippines?
Contestant: Sunflower?
Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?
Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa! Anong pangalan
ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang
"A", at kapangalan ng isang sikat na singer?
Contestant: Si…Sharon Cuneta!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Host: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster (Eugene Torre) of Asia?
Contestant: Carole KING?
Host: Hindi, mas mababa sa king.
Contestant: Al QUINN?
Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant: Armida Siguion-REYNA?
Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Contestant: BISHOP Bacani?
Host: Mas mababa sa bishop.
Contestant: Johnny MidNIGHT?
Host: Mas mababa sa Knight.
Contestant: Jerry PONS?
Host: Oh, ay! an na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa Chess. Yung
kahuli-hulihang piyesa na lang.
Contestant: Sylvia laTORRE!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue, may
initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant: Nora Aunor?
Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".
Contestant: Guy Aunor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Host: What "K" (kalabaw) is the national animal of  the Philippines?

Contestant: Kuto?
Host: Hinde. Clue, it tills the land.
Contestant: Kutong Lupa!