Archive for April 17th, 2007


juz thinking morbid…

Pag natigok ako, bilin ko sa pamangkin kong si Francis eh ipa-cremate ako. Sya kamo mag sponsor sa pagpapasunog sa akin kasi siguro by that time eh isa na syang ganap na nurse at kumikita na ng malaking salapi. Ayoko kasi yung nakalagay ako sa bukas na kabaong kasi boboso-bosohan lang ako. Tititigan ka eh at kainis kasi di ka rin naman makakatitig. Eh maging totoo na tayo, wala naman cute tingnan na corpse di ba? Gusto ko maalala ako ng mga mahal ko at ng mga kaibigan ko sa itsura nung buhay pa ako at hindi kung ano itsura ko nung dedbol at mabubulok na. It make sense naman di ba? Ayoko ibaon sa sementeryo ang katawan ko kasi bukod na ang mahal na ng kapipiranggot na lupa lang eh… malungkot dun. Lolz. Di rin naman ako mabibisita ng mga anak ko dun regularly. Swerte na pag nabisita ako ng 3 times a year. Kayo, ano wishes nyo gawin sa hiram nyong katawan?

an e-male

From_bimblette_1

bimblette dear, thank u very much for the appreciation. i’m flattered. hope to catch u online soon.