HuLiNg ArAw
Kung tatanungin ako ng
Diyos kung gaano kita minahal, ang isasagot ko, 10 beses na higit pa sa
nararapat. Minahal kita hindi dahil pakiramdam ko lang tama, pero dahil ginusto
ko yung naramdaman ko at walang kung ano pa man.
Minsan mo na akong
tinanong kung pinagsisisihan kong nakilala kita. Sinabi
ko hindi. Ngayon na nga siguro ang araw na kinatatakutan ko. Dahil kapag
tinanong mo ulit sa akin yan, alam kong oo na ang isasagot ko. Sa lahat kasi ng nangyari
sa buhay ko, ikaw lang ang gusto kong burahin. Wala
ng iba.
Alam kong tama na tong ginagawa ko ngayon. Tama ng
mawala ka sa buhay ko. Dahil
alam kong wala ng pag-asa yang sinasabi mong pagkakaibigan natin. Tanga lang ako na minsan kong inisip na yun ang pinanghahawakan ko pero
hindi pala. Dahil
pinili mo pa rin akong saktan kahit alam mong dapat naging isa kang kaibigan.
Nung mga panahong
ikaw at ikaw lang ang kailangan ko, hindi man lang kita mahanap. At kahit alam
kong alam mo yon, pinili mong tiisin ako. Ngayon hindi na ko umaasang nandyan
ka pa, dahil simula palang nang-iwan ka na.
Itinapon ko na rin
ang lahat ng kasinungalingang sinabi mo na ang masakit ay pinaniwalaan ko. Nang
sinabi mong importante ako sa yo at hindi mo kayang wala ako, kagaguhan lang
yon. Siguro napilitan ka lang sabihin yon, o di kaya, sinadya mo para paasahin
ako.Ngayon, lahat ng binitawan mong salita, wala ng halaga. Simple lang ang
rason: dahil wala ka ring kwenta.
Wala na rin akong
pakialam kung nagustuhan mo man ako o hindi. Ang importante, nagbigay ako ng
buong buo at ni minsan ay hindi humingi ng kahit anong kapalit. Kahit papano,
naturuan mo akong maging matatag. Natuto na rin akong tumigil sa paghahabol at
pag-iyak sa taong manhid na tulad mo.
Siguro nga nasira mo na ang lahat sa akin. Ang
paninindigan ko, tapang at paniniwala ko, pati ang katauhan ko, pero kaya kong
ibangon ang sarili ko at mabuhay ng wala ka. Ako pa rin to. Oras at araw lang ang
nagbago.
Ngayon na ang
huling beses na sasabihin ko ito sa yo. Ngayon na ang huling pagkakataon na
iisipin kita. Lahat ng bagay na dumaan, burado na. Pati buhay ko,
bago na. Ngayon na ang huling oras na mamahalin kita. Ngayon na ang tamang oras
para sa lahat, para malaman mo kung gaano mo ako sinaktan. Tapos na yon lahat
ngayon. Ito na ang huling araw ng paghihirap…Tama na, tapos na. Pero sa
huling araw na ito, isa lang ang sigurado ako…
Hindi ito ang
huling araw na sinabi ko lahat to.(Ayy! Nyeta! tanga
ko talaga. Grrrr! hehehe!)





