kumikitang pangkabuhayan
hay ambot! sobrang bisi talaga ng lola nyo ngayon at di na maasikaso ang "blag" nya na to. sus, dami ko pa naman sana balak i-post dito kaso di talaga pwede magtagal si gandang-maruja sa "prenster blag" dahil sa inaasikasong kumikitang pangkabuhayan ng lola. putragis, hirap talaga kumita ng pera. pakiramdam ko nakukuba na ako sa kagagawa ng polboron. may times na parang anak-araw na tsura ko sa pamumuti ng todo nang dahil sa sako-sakong arinang niluluto ko. sumasakit na pwet ko sa kauupo para balutin ang libo-libong polboron at mag ayos ng packaging. bahay ko halos amoy-polboron na rin lagi at dasal ko lang na sana wag akong maging utak-polboron din. hehehe! syet! (katok sa kahoy). pero kelangan pag igihan ko tong bisnis ko kasi bread and butter ko to at dito ko nabubuhay mga bagets at ampon ko. pucha! lately, sa dami ba naman ng nilapitan ko (mostly luhaan ako sa naging sagot na resulta) eh halos duguin ako bago nakahanap ng mauutangan ng malaki-laking puhunan kaya ngayon na nabigyan ako ng pagkakataon ulit (naawa din si Lord sa akin) eh kelangan umayos talaga ako. kelangan yumaman na ako para makabili na ako ng lalaki na ibabahay ko. ganda ng plano ko ano? hehehe!
hahaaay… sus ipo-post ko sana dito yung naipangako ko kay kupal yung tungkol sa 7 secrets of successful sex pero next time na lang siguro yung mga ganung tema ng kalibugan. kups, next time na lang ha? bisi-bisihan ang lola mong tukmol.
nways, para dun sa mga hindi nakakaalam sa madalas ko pagkaabalahan … eto po yung bumubuhay sa amin at nagpapa aral sa mga anak ko. sana bumili kayo. lols! joke!






















