Archive for February, 2007


it’s my birth anniversary today :) (big deal?)

Bday_1



TeArS and RaiN

Tears_nd_rain

How I wish I could surrender my soul;Shed the clothes that become my skin;See the liar that burns within my needing.How I wish I'd chosen darkness         from cold.How I wish I had screamed out loud,Instead I've found no meaning.

Foqkk06y
I guess it's time I run far, far away;    find comfort in pain,All pleasure's the same:    it just keeps me from trouble.Hides my true shape, like Dorian Gray.I've heard what they say,    but I'm not here for trouble.It's more than just words:    it's just tears and rain.

How I wish I could walk through     the doors of my mind;Hold memory close at hand,Help me understand the years.

Fordv55h_1How I wish I could choose    between Heaven and Hell.How I wish I would save my soul.I'm so cold from fear.                    I guess it's time I run far, far away;    find comfort in pain,

All pleasure's the same:    it just keeps me from trouble.

It's more than just words:    it's just tears and rain.

FeELinG bOxEd iN

Boxed_in1



so hard to handle myself lately,
why its so difficult to trust again,
why cant people just be good,
no matter how kind and giving i be,
just so easy for them to give me bruises…
seem its joy for them to take my spirits away…

i thought zero ako ngayon araw ng mga puso. i’m wrong. my daughter Ziah…as sweet and thoughtful as ever, handed me this 3 yellow roses and a bar of chocolate. i know pinag ipunan nya to.


hmmmnn… naniniwala ako sa swerte. and i guess having kids like mine… ma-SWERTE ako.

Rose_frame_0162

Valentine Comic

Chova02

Tunva04

Ang Puno’t Dulo ng Pag-ibig

Rose
Nakakatawa talaga ang love.

Isa siyang napakalaking oxymoron.

Lahat ng pwede mong masabi sa kanya,
baliktarin mo at totoo pa rin.
Ang labo diba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal.

Malungkot magmahal.

Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo.

Walang rason. Maraming rason.

Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin.

Masakit magmahal. Pero okey lang.

Leche, ano ba talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people."
Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love
din ang hunghang.

At ayun, tanga na siya ngayon. 

Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging
oxymoron din.

O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig.

Lahat ng bagay nababaligtad din niya.

Lahat ng malalakas na tao, humihina.

Ang mayayabang, nagpapakumbaba.

Ang mga walang pakialam, nagiging Mother
Teresa.

Ang mga henyo, nauubusan ng sagot.

Ang malulungkot, sumasaya.

Nakakatawa talaga.

Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong
ayaw na talaga magmahal.

Napansin ko nga eh.

Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit,
sabihin mo lang ang magic words na

"Ayoko na ma-inlove!"
biglang WACHA! Ayan na siya.
Nang-aasar.

Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing
mo? Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay
lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao?

Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi
mo.

Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng
pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now
na!"

At hindi lang ‘yon.

Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam
naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng
pag-ibig.

Tapos ‘pag luray-luray na yung puso nila,
siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! "Bakit niya ‘ko
sinaktan?"

May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at
pagbabagsak ng pinto.
Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-usapan.

Ang daming beses ko na kasi siya
nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko.

Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng
pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang
punchline.


Nakakatawa no?
Nakakaiyak.